Tuklasin ang Isla ng Bohol!

Bukod sa ating mga nakakamanghang baybayin o dagat, mayroon din tayong maraming koleksyon ng fauna, flora, kasaysayan, landmark, landscape, at buhay sa ilalim ng dagat. Ang isang perpektong halimbawa nito ay matatagpuan sa isang lugar sa Visayas na tinatawag na Bohol.

Noong 2013 ako pumunta dito kasama ang aking pamilya. Dalawang araw lang iyon, ngunit nagawa namin ang mga sumusunod na aktibidad na nagbigay sa amin ng isang sulyap sa kamangha-manghang taglay ng Bohol. Bumili kami ng ticket sa port ng cebu city to bohol na humigit-kumulang 270 pesos at kung magdadala ka ng sasakyan ay 2,000 pesos.Chocolate Hills

Chocolate Hills

Ang Chocolate Hills ay isang natatanging geological formation na binubuo ng mga hugis-kono na burol na halos magkapareho ang hitsura. Sa pagitan ng mga buwan ng Disyembre at Mayo, ang damo na tumatakip sa mga burol na ito ay matutuyo at magiging mas kayumanggi. Maganda at sobrang payapa dito.Philippine Tarsier Sanctuary 

Philippine Tarsier Sanctuary

Katulad ng Chocolate Hills, sobrang nasasabik din ako sa pagkakataong sa wakas ay masaksihan ang sikat sa mundo na hayop na tinatawag nating tarsier na sinasabing ika-2 pinakamaliit na primate sa mundo. Ngunit labis ang aking pagkadismaya, hindi ko namalayang dinala ako sa isang lugar na hidni nagsasagawa ng responsableng turismo. Nalungkot ako nito dahil ang Tarsier ay isang endangered na hayop.Baclayon Church

Baclayon Church

Idineklara bilang National Cultural Treasure at National Historical Landmark, ang Baclayon Church ay ang ika-2 pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Pumunta kami doon at namangha kami sa pagiging relihiyoso at ganda nito.

Overall, masaya at kapana-panabik ang mga karanasan ko dito sa bohol. Nagkaroon ako ng oras sa aking pamilya at nakita ko ang kagandahan ng kalikasan. Maganda at mapayapa nga ang isla.

Design a site like this with WordPress.com
Get started